powered by: MEP d'thug artist
go to my homepage
CONTINUE
Photobucket Photobucket Photobucket Photobucket Photobucket Photobucket
The Casadiva Cassie. Powered by Blogger.
RSS

Ang Pagiging "PAG-ASA" ng Bayan



INTRODUCING Jomar Tacoyo…(Penguin,alien,palakang berde ang dugo!)..haha..eto na yung ipinangako niyang contribution sa blog ko..pero mukang matatawag na natin itong blog niya mismo..hahaha
BTW..hmmm..mukang may pinaghuhugutan ata tong Penguin na toh..pero sana po kung mabasa niyo man at magustuhan comment na lang kayo..hehe





Kagabi hindi na aako nakapag blog dahil nakatulog ako ng maaga..
Kapagod pala kaharutan ang isang 3 months old na bata…haha..
Nakatulog ako habang nakahiga siya sa dibdib ko..hahaha..



________________________________________________________________________________

Pag-asa
                “Ang kabataan ay  Pag-asa ng bayan” ang kasabihan na mabenta sa mga librong pang High school, sa mga placard tuwing may rally na may kinalaman sa karapatang pang Kabataan, at sa mga poster ng mga tumatakbo bilang SK chairman, na may mga picture na aakalain mong tatakbo sa isang beauty pageant…
                Ang kabataan nga ang pag-asa ng bayan, dahil sila ang papalit o susunod na lider na mag papatakbo sa ating bansa, mga susunod na guro, pulis, doktor, abogado, negosyante, Chismoso’t chismosang nakasuot pormal na binabayaran ng taong bayan para mag bangayan sa loob ng isang malamig at komportableng kwarto, o ang susunod na Presidente  na magkakaroon ng karapatan para makapaglaro ng Playstation sa loob ng Malacañang. Dahil sa susunod na mga taon sila naman ang aalalay sa mga henerasyon na nauna sa kanya na wala ng kakayanan para mag patuloy pa, at mga henerasyon na paparating palang para palitan sila.
                Atin namang suriin ang ating mga “Pag-asa”, may napanuod ako sa TV(of course isa syang news show) tungkol sa mga  batang hamog, na nangtrip sa isang Bus. Ayon sa reporter, Sumakay ang isang grupo ng mga kabataan sa isang bus, nung pinipilit na sila ng konduktor na mag bayad, ayaw nila mag bayad, nung pinababa na sila, binato nila yung Harapan ng Bus, nakatakas ang ilan, may dalawang nahuli, gigil na gigil ang drayber pati na rin ang konduktor sa binatang nahuli nila, gustong bugbugin at hambalusin ng tubo, Sino ba di manggigigil, dahil ang salamin na binasag ng mga binatang yun, sa bulsa mismo ng koduktor at drayber kukuhain.. pero sa kalaunan..nakatakas din  ang  binatang nahuli nila, kaya umalis na lang ang drayber at ang konduktor na may galit sa mukha. Kaya mas pinagigti ng mga MMDA ang paghuhuli sa  mga batang hamog.
                Batang hamog ay ang tawag sa mga  kabataang pakalat kalat sa kalye, lalo na sa dis oras ng gabi, sila yung mga grupo ng mga kabataang nagiging perwesyo sa lansangan, mga tinatawag na “peste”  ng mga motorista, mga napariwara, masasabi kong kinulang sa gabay , o pwede ring mali ang pagkakagabay. SIla ang mga kadalasang ginagawang “Instrumento” ng mga sindikato, may mga batang pusher, hitman, carnapper, kidnapper, o kung ano ano pang klase ng krimen nagagawa nila. Dahil di sila sakop ng batas, di sila tinuturing na kriminal, kundi mga biktima, biktima ng marahas na lipunan, biktima ng magulong sistema. Kung ganito nga ang ating mga “Pag-asa” baka ibang lider ang makahantungan nila, magiging lider ng mga carnapping sindicate, gang, Druglords  o mga lider ng iba’t ibang illegal na trabaho. “Children have never been good in listening to their elders, but they have never failed to imitate them”, kung ano  nakikita ng  mga bata ay yun ang nagagaya nila. Marami ng mga bagay ang nakaka impluwensya sa mga kabataan ngayon, tulad ng telebisyon, mga online games, ang internet at mga tao sa kapaligiran nya. Pero di naman sila ma iimpluwensyahan kung may mag gagabay sa kanila, kung may mga tamang modelo silang pinag-gagayahan. Nasa mga nakakatanda na rin  yan, malaki talaga ang kinalaman ng kapaligiran sa pag huhubog sa ating “Pag-asa”. Isang kapaligiran na walang kahirapan, kaguluhan, o karahasan.
                Isa rin ako sa tinatawag na “Pag-asa”, siguro naging maswerte ako dahil na ilagay ako sa isang kapaligiran na di naman gaano magulo, nagabayan ng tama, kaya narito. Sa pagiging “Pag-asa”  ng ating bansa, nalalaman ko na may kailangan din akong gawin, kung gusto ko ng pagbabago sa dadating na henerasyon, henerasyon na ako na rin ang mag tatawag sa mga nakakabata sakin na aking “Pag-asa”. Kung nasa bulok na sistema na rin ang ganitong bagay, Mahihirapan ako, “If you can beat the system, be in the system” yan ang  linya ng mga tumatakbong pulitiko  na gusto rin ng pagbabago. Pero may risk din ang ganito, dahil para kang isang kamatis na nilagay sa isang tumpok ng mga bulok na kamatis, mahahawa ka, mabubulok ka  rin, kung kulang ka sa paninindigan, mahahawaan ka sa kabulukan. Isa ako sa “Pag-asa”, kaya kailangan ko ring kumilos, kailangan kong maging isang mabuting ehemplo sa nakakabata sakin, na tatawagin ding “Pag-asa” sa mga dadarating na panahon, kailangan ko ring gumawa ng mga bagay na alam kong makakabuti sa aking bayan.
                Naway tayong mga “Pag-asa” ang talagang Pag-asa ng bayan sa darating na panahon, at hinde isa nanamang taga asa na magkakaroon ng pagbabago.
                Sana nagustuhan nyo.. hehe.. masyado atang napahaba.. ayan na Panda may nagawa na ako..  mukhang di pang blog to.. Article na to sa isang School Paper haha ^_^




_____________________________________________________________________________________




Ayan..natapos na siya..pwede na kayo huminga..sabagay may punto nga rin naman siya…kailangan na rin naman siguro tayong kumilos….kadalasan kasi ngayon puro reklamo lang ang kaya ng mga tao..ni hindi nga sila kumikilos para sa pagbabago..sabi nga nila..”ang pagbabago nagsisimula mismo SAYO…”






                    "batang hamog"

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 comments:

Post a Comment