as of now hindi ko alam kung anung ikkwento ko rito..marami na nangyare...at baka hindi ko na rin siya maenumerate ng maayos..
a sad story,a happy one...hindi ko na alam.
kapag tumatanda ka talaga noh..nagiging mature ka na rin...lahat lahat sayo nagiging kumplikado..
you learn to sacrifice thing s na sobrang importante sa'yo...kahit masakit..gagwin mo pa rin..
sabihin na nating selfish ka..pero bata ka pa eh..kelangan mong tuparin yung mga pangarap mo...
Learn to yield for your dreams...kapag na accomplish mo naman yun ng nasa batang edad ka pa...mas ma-eenjoy mo ang buhay...at mas malaki ang advantages ng mga batang nakapaghanda para sa kinabukasan nila..
hindi ka dapat na nagmamdali...sabihin nating maikli lang ang buhay...
iniisip kasi nung iba...dahil daw sa ikli ng buhay...gagawin na nila ang lahat ng gusto nila.."live life to the fullest" daw eh..not knowing na..mas malaki yung damage na magagawa sa kanila nun pagdating ng araw..
eto..I've made a sacrifice na..kahit papanu nakapag ayos naman ng sitwasyon ko sa bahay....
hindi ko alam kung mapapatawad pa niya ako sa ginawa ko....at hindi na rin siguro ako mag aatempt na lapitan siya....tulong na rin siguro sa kanya para mas mabilis niya akong makalimutan...nagawa ko yun kasi..nahihirapan na rin ako...mixed emotions ako nung makaharap ko siya..ni hindi ko nga kayang tingnan siya sa mata eh..parang nadudurog ako kapag ginawa ko yun...
at sana hindi ko pagsisihan na binitiwan ko ang isang taong mahal na mahal ako more than anything on his life....God Bless na lang sa babaeng susunod niyang mamahalin..
______________________________________________________________________________
ilang weeks na rin ang nakakaraan nung makausap ko sila mama sa telepono..ahmm..sa cellphone pala..
oh, how i miss them so much...parang habang kausap ko nga sila nun..nag fflash back sakin lahat ng memories na kasama ko sila..kahit isang linggo lang na bakasyon sa probinsiya...ninanamnam ko na...walang isang segundo na tahimik sa kubo namin dun...puro halakhakan kasi eh..puro tawanan kami kapag umuuwi ako dun..kapag uuwi nga ako...para akong balikbayan na galing pa sa dulong lupalop ng mundo..pagbaba ko sa bus..nandun sila lahat sa harapan ng bahay namin...sinasalubong ako...kunukuyog nila ako sa yakap at halik..
pero minsan di ko rin maiwasang mapa buntong hininga sa mga pinag aasta ng mga kabataan ngayon..
kasama nila mga magulang nila..nahahawakan nila...nakakausap nila...nakakainggit.
hindi ko maiwasang mainggit and on the same time mainis sa kanila...kasi ginagawa nila yun sa mga magulang nila..
habang ako ilang taon ok ng inaasam na sana..makasama ko rin pamilya ko....kahit isang linggo lang..miss na miss ko na kasi silang lahat dun eh...
yung bunso ko ngang kapatid eh..nung last na umuwi ako....kilala lang niya ako sa picture...pina-frmae kasi ni mama yung picture ko nung elementary graduation ko....medyo naiyak ako...kasi ganito yun..
nakahiga ako sa may kama namin at katabi ko sila mama,yung kapatid kong babae,yung kapatid kong lalaki, at yung bunso kong kapatid..
sobrang ganda ng mga mata nung bata na yun...it shines with youthfulness and it's round..parang sa manika..dagdagan pa ng mahahabang pilik..sayang..hindi ko namana kay mama yun..sigh*
"baby,asan si ate?"tanong ni mama sa bunso namin.
sabay turo ni bunso dun sa picture frame ko na nakasabit sa cabinet namin...naluha ako kasi nasa harapan ko lang siya..mismong harap harapan ko nakita na hindi ako kilala ng kapatid ko sa personal..
at simula nun..pinangako ko sa sarili ko...na hindi na ulit mangyayari yun...na kapag nakatapos, nagktarabaho at naka ipon ako..
ilalayo ko sila sa mga kamag anak namin sa probinsiya..naawa na rin kasi ako kay mama kapag nagsusumbong yun sakin na parang bata...
sinasabi niya sakin lahat ng sama ng loob kapag nilalait sila ng mga kapatid niya dun..in short mga tiyahin ko ..na medyo nakakaanggat na sa buhay dahil sa mga asawa nila na may mga rank sa trabaho..
ang mga tao talaga..kapag nakahawak na ng pera..akala mo pag mamay-ari na ang buong mundo..na kaya nilang bayaran lahat ng sama ng loob na idudulot ng mga pinagsasabi nila...
nasasaktan din ako..kasi bilang panganay..nasa mga balikat ko yung pag ahon namin...it's a pressure..pero alam kong kakayanin ko naman!..
God Bless sa lahat ng makakabasa nito..
Dream High and Big mga Dudes!..
I Am A Woman of Ambition
The Summer Heat And US!
....
hay ang init na ng panahon dito sa atin ngayon..
ako hindi ko na nga kaya eh..
minsan nga halos mag black out na ako sa sobrang init eh..hindi na kaya ng isang paligo!.
sabagay minsan..RATHER..tayo naman kasi ang mag gawa kung bakit iba na ang klima ng mundo sa mga panahon ngayon..
sa basura, sa industry ngayon..
kung tutuusin..bakit nga ba tayo nakikipag sabayan sa mga mauunlad na bansa...eh kung tutuusin mas maunlad pa nga tayo...or mas uunlad pa tayo kung pagtutuunan natin ng pansin ang pagligtas sa ating kalikasan at gamitin ang mga resources na ito sa tamang paraan...
lagi kasi tayong nakikisabay sa indayog ng industrialismo sa Kanluraning bahagi ng mundo....(ang lalim nun ah!)..
Sa ngayon nanganganib ng mabutas ang "Ozone Layer" sa may bandang Antartica..at kapag nangyare yun..tuluyan na ring mangyayari ang ating kinatatakutan na pagtunaw ng yelo doon...
at paglubog ng ilang mga bahagi ng lupa dito sa ating bansa..hindi lang dito...kundi na rin sa iba pang bahagi ng mundo...hindi lang tayo ang apektado rito kundi lahat ng nabubuhay sa daigdig na ito..
Parami na ang mga lahing papaubos na kung pag-uusapan ang mga hayop na mga nangabubuhay sa lupa,dagat ,at hangin..
nakakapanghinayang man isipin pero tayo naman talaga ang dapat na sisihin kung bakit unti unti ng nasisira ang tirahan natin...Ang DAIGDIG!
Madalas na rin ang mga pagyanig sa lupa...ang mga tsunami...ang pagsabog ng mga bulkang ngayon lamang na naitala na naging aktibo sa pagbuga ng mga nakalalasong abo at hangin..
ang pagbiglang ulan at biglang pag init..
hindi na rin ako magtataka kung isang araw...wala na tayong mahuhugot sa kalikasan dahil sa sobrang pagabuso natin sa biyayang binibigay nito sa atin na minsan ay napupunta lamang sa wala o di kaya'y nagiging mitsa pa ng mas matinding pinsala sa biodiversity ng iba pang mga species ng mga halaman at kahayupan..
baka nga di magtagal tayong mga tao mismo ..wala na sa mundong ito...o kaya ay maabutan pa natin ang mismong pagguho at tuluyang pagkawasak nito..
May mga tao ng kumikilos para kahit papaano naman ay maibsan ang kalabisan ng mga taong sakim sa kayamanan at kapangyarihan na ang tanging alam lang minsan ay kumuha ng kanilang mga supply sa Kalikasan na walang pakialam sa walang habas na pagsira ng kagubatan o ng di kaya naman ay ng karagatan...
pero hindi sasapat ang pagkilos ng iilan...bakit hindi natin umpisahan mula sa ating mga mumunting paraan...malaki na rin naman ang magagawa kung pagsasamasamahin ang mga mumunting pagkilos natin...
ANG PAGKILOS NG LAHAT AY NAGSISIMULA SA IISA*
mo..mangyari din ng di inaasahan..