....
hay ang init na ng panahon dito sa atin ngayon..
ako hindi ko na nga kaya eh..
minsan nga halos mag black out na ako sa sobrang init eh..hindi na kaya ng isang paligo!.
sabagay minsan..RATHER..tayo naman kasi ang mag gawa kung bakit iba na ang klima ng mundo sa mga panahon ngayon..
sa basura, sa industry ngayon..
kung tutuusin..bakit nga ba tayo nakikipag sabayan sa mga mauunlad na bansa...eh kung tutuusin mas maunlad pa nga tayo...or mas uunlad pa tayo kung pagtutuunan natin ng pansin ang pagligtas sa ating kalikasan at gamitin ang mga resources na ito sa tamang paraan...
lagi kasi tayong nakikisabay sa indayog ng industrialismo sa Kanluraning bahagi ng mundo....(ang lalim nun ah!)..
Sa ngayon nanganganib ng mabutas ang "Ozone Layer" sa may bandang Antartica..at kapag nangyare yun..tuluyan na ring mangyayari ang ating kinatatakutan na pagtunaw ng yelo doon...
at paglubog ng ilang mga bahagi ng lupa dito sa ating bansa..hindi lang dito...kundi na rin sa iba pang bahagi ng mundo...hindi lang tayo ang apektado rito kundi lahat ng nabubuhay sa daigdig na ito..
Parami na ang mga lahing papaubos na kung pag-uusapan ang mga hayop na mga nangabubuhay sa lupa,dagat ,at hangin..
nakakapanghinayang man isipin pero tayo naman talaga ang dapat na sisihin kung bakit unti unti ng nasisira ang tirahan natin...Ang DAIGDIG!
Madalas na rin ang mga pagyanig sa lupa...ang mga tsunami...ang pagsabog ng mga bulkang ngayon lamang na naitala na naging aktibo sa pagbuga ng mga nakalalasong abo at hangin..
ang pagbiglang ulan at biglang pag init..
hindi na rin ako magtataka kung isang araw...wala na tayong mahuhugot sa kalikasan dahil sa sobrang pagabuso natin sa biyayang binibigay nito sa atin na minsan ay napupunta lamang sa wala o di kaya'y nagiging mitsa pa ng mas matinding pinsala sa biodiversity ng iba pang mga species ng mga halaman at kahayupan..
baka nga di magtagal tayong mga tao mismo ..wala na sa mundong ito...o kaya ay maabutan pa natin ang mismong pagguho at tuluyang pagkawasak nito..
May mga tao ng kumikilos para kahit papaano naman ay maibsan ang kalabisan ng mga taong sakim sa kayamanan at kapangyarihan na ang tanging alam lang minsan ay kumuha ng kanilang mga supply sa Kalikasan na walang pakialam sa walang habas na pagsira ng kagubatan o ng di kaya naman ay ng karagatan...
pero hindi sasapat ang pagkilos ng iilan...bakit hindi natin umpisahan mula sa ating mga mumunting paraan...malaki na rin naman ang magagawa kung pagsasamasamahin ang mga mumunting pagkilos natin...
ANG PAGKILOS NG LAHAT AY NAGSISIMULA SA IISA*
mo..mangyari din ng di inaasahan..
0 comments:
Post a Comment