..
sa ngayon nakakaranas tayo na bumili ng malinis na tubig para magamit sa pang araw araw na pangangailangan natin..
kayamanan ni inang kalikasan na pinagkakakitaan ng mga taong mapagsamantala..
may karapatan naman tayo lahat para sa malinis na hangin,tubig,at kapaligiran di ba?..
well..nasulat ko 'tong blog na toh kasi napaisip din ako..
sabi kasi ng tita ko matapos namin iayos yung mga inigib naming tubig..
nag-iigib pa kasi kami ng tubig para may mainom at magamit pangluto..
"Ngayon binibili ang malinis na tubig..tingnan mo di magtatagal pati hangin binibili na rin"
mga katagang nagpatigil sa akin..
napatigil ako pagkatapos sabihin yan sakin ng tita ko...
napaisip ako ng malalim..
Sabagay..tama nga naman..
wala kasing pakialam yung ibang tao..basta may pakinabang sila..hanggang dun lang..
nakakalungkot man isipin na tayo rin ang sumisira sa kinabukasan ng nakababatang henerasyon natin sa ngayon..
kung yung ibang tao nagsisikap na magtayo ng oraganisasyon para pigilan ang pag ubos at pagsira sa kalikasan..yung iba naman walang pakialam...
naalala ko tuloy yung isang article sa Reader's Digest about sa Clean water na mas lalong nagdudulot ng pollution.
Sa pagpoprocess pa lang ng filtering harmful gases na ang labas..
Sa paggawa ng plastic bottles nito..
Sa usok na dala ng sasakyan na nagdedeliver nito sa iba't ibang lugar..
mapapaisip ka rin di ba?
Malayo na nga ang narating ng tao..
pero parang mas napalapit tayo sa katapusan ng lahi natin mismo..
anu na kayang gagawin natin kung pati malinis na hangin na lalanghapin natin ay binibili na rin..
parang gumawa lang tayo ng solusyon para mas madagdagan ang problema natin..
Gumawa tayo ng paraan para mas lalong mapaginhawa at mapadali ang pamumuhay natin bilang mga sibilisadong tao sa siyudad..not knowing na mas mapapasama yung kalagayan natin..
Pinakamalalang polusyon na ata yung nabasa ko sa Hongkong..
kung gaano talaga kaunlad ang isang bansa..ganun na rin ito kasira..
Sana kung ang gobyerno natin ay pangangalagaan ang mga tanging yaman natin..
who knows..baka nga mas malampasan pa natin sa kaunlaran yung ibang bansa..
itigil na ang pakikisabay sa INDUSTRIYALIDAD na mga mas nakakaunlad na bansa..
hwag na nating pilitin sirain ang mga yaman na nasa harapan lang natin para sa mas delikadong pag-unlad ng bansa..
Ito siguro mangyayare sa atin kung magkataon man na mapuno na ng polusyon ang hangin..
NAKAKALUNGKOT.
"Only when the last tree has died and the last river been poisoned and the last fish been caught will we realize we can't eat money"
5 comments:
As a blogger i think you should make a move from a little by little...try to contribute something good to the environment
-Pusa
eto na nga eh..ito na ang contribution ko para sa bagay na yan..hehe..TO SPREAD THE NEWS..:)
parang di naman ata pede na ikalat mo lang balita... diba? :)
-Pusa
alam mo kasi Kuya Lloyd..bata pa ako..at dahil sa alam kong bata paa ko..alam ko rin kung hanggang saan lang yung kakayanan ko..hanggang dito lang ang kaya ko..hehe..maybe in the future..kaya ko na..^_^
maka KUYA wagas na wagas eh...hahahaha
-Pusa
Post a Comment