powered by: MEP d'thug artist
go to my homepage
CONTINUE
Photobucket Photobucket Photobucket Photobucket Photobucket Photobucket
The Casadiva Cassie. Powered by Blogger.
RSS

My Flawless Beauty Transformation




In celebration of its 11th birthday, Flawless is inviting everyone to take advantage of its 1 + 1 beauty blowout this National Flawless Month. If this isn’t the best time to boost or jumpstart your top to toe beauty transformation, then I don’t know what is. Go to www.flawless.com.ph or visit a clinic near you for more information.


I've always wanted to have a perfect skin,pero dahil sa sobrang sensitive ng balat ko minsan nahihiya akong i-flaunt ito.I stayed away from wearing short shorts,skirts or whatever that shows my legs kasi i have plenty of scars that i got when i was just a little kid.I learn to cope with it.Everytime na lalabas ako i wear jeans or kaya naman leggings na hanggang ankle.And now im on my college degree panibagong problema na naman.Yung school ko kasi 2 rides pa from our house and i guess dun nag umpisa yung skin acne ko..i have acne sa forehead and a little on my cheeks,dahil sa dust and smoke siguro kaya nagkaroon ako ng breakouts.I hated it so much.So please will you make me over!I really want this so BADLY~!

       


    "Growing old is not a problem to me,Staying young is one."

                                                           





  http://flawless.com.ph/


  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

Do I Really Need Makeup?


Hmm..this blog is actually inspired by my fellow Ka-Epal on Facebook page MgaEpal.com Ate Jen..

I'm fond of makeup din kasi so eto..im doing it right now..haha..
Ate Jen pasensiya sa panggagaya..

_______________________________________________________________________________


Dati hindi ko alam kung pano gumamit ng makeup..had no idea at all..
ang alam ko lang kasi is ginagamit ito on special occasions..basta!..
as i wala akong pakialam at wala akong idea sa makeup...

Noong high school ako..dun nag umpisa lahat..
dahil nga teenager hindi mawawala siyempre ang "Crush" thingies...
kelangan maganda ka pagdaan ni crush..
yun lang naman ang tanging dahilan kung bakit ko naisipan na mag ayos dati..

pag naalala ko nga yun..natatawa na lang ako saying.."Muntanga!"...haha!..

Not until na umabot na ako sa junior at senior high school..dun ko naisip na "why not try make up?"
Then it came...
sa totoo lang marami ring factors na nag contribute kung bakit naisipan kong gumamit na nun..

I find myself looking at the mirror and examining my face...and that habit turns to be a daily routine..pagkagising at bago matulog..

and my biggest insecurity is my EYEBAGS..
haha..nakuha ko siguro sa laging pagpupuyat..

The fact na malapit na akong pumasok sa kolehiyo..kelangan mag ayos at magmukang presentable..
at parang parte na rin ng pagiging "Professional"..



Makeup for me does really change a lot..BIG CHANGES..

Do i really need makeup?..
masasabi kong "yes!"
I can't leave our house without wearing it!

these are my pictures during my highschool days..



this was when im at my freshmen..
sa isang handaan..

Sophomore years..
naligo kami nito sa Falls


Junior years..
Outing sa Laguna
Senior Years
Program sa school..


Birthday Celebration..
Camera trip lang sa classroom...




see al those?..haha!
I love posing to cameras..pero seems like the camera dont love me at all!..lol..
yan yung mga times na wala akong pakialam sa itsura ng muka ko..
but suddenly it changes nung nasa College level na ako...

natuto akong mag ayos at natuto ring kumilos ng ayos..Like a lady..






maraming nakakapagsabi na mas maganda raw ako kapag walang makeup...pero hamon ko sa kanila..
"Sige nga!..hindi ako magmemakeup ng isang buong araw..tapos tatanungin kita mata sa mata ng "maganda ba ako?"...then natatameme sila..based in their silence alam ko na kung anong magiging reaksiyon/sagot nila..

Noong sinimulan kong mag ayos..mas nakilala ko ang sarili ko..dahil naipapakita sa mga tao kung ano yung tunay na ako ng walang halong pangamba na baka hushagan nila ako dahil sa itsura ko..
nagkaroon din ako mataas na level ng Self-confidence..
at mas minahal ko ang sarili ko..

mas marami ring opportunities na dumating..nandiyan na yung nasali ako sa iba't ibang competitions sa school..



Volleyball varsity player..

at bilang isang Food Carving Competitor..

naranasan ko rin na maasar sa mga panlalait dahil nga sa itsura ko...

pero ngayong natuto na ako..I prove them na mali sila ng tingin sakin..

I don't wear makeup kapag nasa bahay lang ako..at kadalasan ganito ang itsura ko..


                            
                               
                          



convinced din ako na minsan maganda nga ako kapag walang makeup...MINSAN nga lang..haha!
(see those eyebags?!)pero kahit ganyan yang mata ko na yan..marami ring nakakapagsabing para raw sa pusa ang mata ko..bilugan pero mapungay..how i wish  that i can see myself through their eyes kasi wala talaga akong idea kung anu ibig sabihin nila dun..and sometimes look at the mirror at tingnan yung mata ko..and wonder "how could this eyes look like cat's eyes?!"

at dahil sa pagiging explorer ko..nag try na din ako ng iba pang hairstyle na uso sa mga kaedad ko..





full bangs kung full bangs ang labanan..

explore lang ng explore!
nagsawa rin ako sa long hair kaya pinagupit ko with the aid of my mother..siya mismo nag gupit nito..

maraming nanghinayang sa buhok at marami rin namang nagandahan...:)

hindi na ako takot to show myself to the world..
Yes!marami akong insecurities..hindi ako flawless..hindi rin kaputian..pango ang ilong..and i have big eyeballs..and dark under eyes.. 
pero dahil sa makeup..i can cover up those imperfections of mine..
and happily hindi ako nahihiyang makipagkilala and meet new people kahit san ako mapunta..



This is Sir. Nel
Production manager sa "SPOON"
isang palabas sa Net25..
       noong Acquaintance Party sa School..just this last August 4 







pero laging dapat tandaan na "Less is More!"
mas tatanggapin ka ng tao kung maganda ang ugaling pinakikita mo sa kanila..at mas lalo ka nilang mamahalin kung ang pinapakita mo sa kanila kung anu ka bang talaga..

Be yourself!
wag kang mag isip ng kung anu 'bout sa mga sasabihin nila tungkol sa'yo...
Because on the end of the day..lulutang pa rin kung sino yung mga tunay na taong mananatili sa buhay mo at magmamahal sayo ng totoo..
now matter how you looks like..

Learn to embrace your imperfections and you'll be happy!

Stay Humble and Unique!.^_^






               Lots of love!..:D

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

Malinis na Hangin FOR SALE

..
sa ngayon nakakaranas tayo na bumili ng malinis na tubig para magamit sa pang araw araw na pangangailangan natin..


kayamanan ni inang kalikasan na pinagkakakitaan ng mga taong mapagsamantala..
may karapatan naman tayo lahat para sa malinis na hangin,tubig,at kapaligiran di ba?..


well..nasulat ko 'tong blog na toh kasi napaisip din ako..
sabi kasi ng tita ko matapos namin iayos yung mga inigib naming tubig..
nag-iigib pa kasi kami ng tubig para may mainom at magamit pangluto..


"Ngayon binibili ang malinis na tubig..tingnan mo di magtatagal pati hangin binibili na rin"
mga katagang nagpatigil sa akin..
napatigil ako pagkatapos sabihin yan sakin ng tita ko...
napaisip ako ng malalim..


Sabagay..tama nga naman..
wala kasing pakialam yung ibang tao..basta may pakinabang sila..hanggang dun lang..
nakakalungkot man isipin na tayo rin ang sumisira sa kinabukasan ng nakababatang henerasyon natin sa ngayon..


kung yung ibang tao nagsisikap na magtayo ng oraganisasyon para pigilan ang pag ubos at pagsira sa kalikasan..yung iba naman walang pakialam...


naalala ko tuloy yung isang article sa Reader's Digest about sa Clean water na mas lalong nagdudulot ng pollution.
Sa pagpoprocess pa lang ng filtering harmful gases na ang labas..
Sa paggawa ng plastic bottles nito..
Sa usok na dala ng sasakyan na nagdedeliver nito sa iba't ibang lugar..
mapapaisip ka rin di ba?


Malayo na nga ang narating ng tao..
pero parang mas napalapit tayo sa katapusan ng lahi natin mismo..


anu na kayang gagawin natin kung pati malinis na hangin na lalanghapin natin ay binibili na rin..
parang gumawa lang tayo ng solusyon para mas madagdagan ang problema natin..


Gumawa tayo ng paraan para mas lalong mapaginhawa at mapadali ang pamumuhay natin bilang mga sibilisadong tao sa siyudad..not knowing na mas mapapasama yung kalagayan natin..


Pinakamalalang polusyon na ata yung nabasa ko sa Hongkong..
kung gaano talaga kaunlad ang isang bansa..ganun na rin ito kasira..


Sana kung ang gobyerno natin ay pangangalagaan ang mga tanging yaman natin..
who knows..baka nga mas malampasan pa natin sa kaunlaran yung ibang bansa..
itigil na ang pakikisabay sa INDUSTRIYALIDAD na mga mas nakakaunlad na bansa..
hwag na nating pilitin sirain ang mga yaman na  nasa harapan lang natin para sa mas delikadong pag-unlad ng bansa..




Ito siguro mangyayare sa atin kung magkataon man na mapuno na ng polusyon ang hangin..


NAKAKALUNGKOT.


"Only when the last tree has died and the last river been poisoned and the last fish been caught will we realize we can't eat money"



  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

Status: In Love





In love..every person gets into it..
tama di ba?..
sabi nga nila.."Love is like the measles--all the worse when it comes late in life"
somehow totoo..its upon the situation..
hindi naman kelangan i-rush ang love eh..
LOVE CAN WAIT..and love will make its own way for that right person to come along..
dont rush in love..kasi baka kapag minadali mo yan..baka mas worse pa ang kahantungan niyan..




pangaral nga sakin ni mama nung lumuwas sila dito..
"yang pag aasawa madali lang yan!..unahin mo muna pag-aaral mo bago yang boyfriend boyfriend na yan."

ngiti lang ako syempre..alam ko naman kasi bawal talaga eh...
pero hindi na ako bata para sa mga ganung isipin..alam ko naman kung ano ang tama at mali..
pero ngayong nagmamahal ako..masasabi kong mali pero tama tong ginagawa ko..or kaya naman tama pero mali..magulo noh?.haha.


ganun talaga..nagmamahal ako eh..
depende naman yan sayo kung ano yung tatahakin mong landas para masabi mong tama yung paraan mo ng pagmamahal..


sa akin kasi..masasabi kong tama yung paraan ko kung:
-hindi naman neto nasisira yung pag-aaral ko..
-hindi naman ito yung priority ko ngayon sa buhay ko.
-hindi ito yung masasabi nating sagabal..


sabihin na nating ITO yung nagbibigay sayo ng inspirasyon sa araw araw mo..
yung tipong pag gising mo sa umaga...isa yon sa mga dahilan ng pagngiti mo..
sa lahat ng sinasabi mo..laging may hint tungkol sa kanya..


nagtatampo at nagagalita ka kapag hindi siya nagtetext..
akala ko nga nung minsan wala na talaga siyang pakialam..
but then nung magkita kami..all I need is his explanation..at pagkatapos nun..ok na ulit ang lahat...


kapag mahal mo talaga..hindi mo magagawang magalit sa kanya..
at kapag mahal ka rin naman niya..hindi siya makakatiis ng kahit isang araw na hindi ka nakakausap over that certain matter..


makikita at mararamdaman mo naman na mahal ka ng isang tao..
kahit wala siyang gawing effort..the feeling is mutual and that's all that matters!..:D


lahat ng soundtrips mo..
may kinalaman sa feelings mo for him..


silly kung iisipin pero ganun talaga ang love...haha..


nagsusulat ako ng blog na 'to bilang isang tao na nakakaranas ng pagmamahal..
hindi man angkop sa edad ko..pero iba-iba kasi ang klase ng love..meron niyan familial,platonic love,love for a friend etc.,
pero itong ineexplain ko is all about romantic love..


it's attraction on the opposite sex,in involves physical attration..




______________________________________________


haha..ang dami kong alam!..:D


yan!..sinisipag ang tamad na magsulat sa blog niya..haha..:D




ibubuhos ko na lahat ngayong araw..gagawa ako ng maraming dratfs..pero hindi ko pa siya i-pupublish...baka kasi hindi na ako makapagpost ng medyo matagal kasi pasukan na..




see you soon mga Basaheros!.:D


_Salamat!









  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

Changes in my Life





Haaaay...
marami ng naganap..
marami ng "come and goes"..


marami mang misfortune na nangyare..
I'm thankful kasi..eto..buhay pa rin ako..
I'm still alive and kicking..


pero kung tutuusin..nakakapanghinayang din isipin na ganun na yung mga nangyare..
ang laki na ng pinagbago ng buhay ko ng dahil sa biglaang desisyon na yun..
hindi ko siya kinaya sa una pero nalampasan din naman kahit papaano..


basta..masasabi kong masaya na ako ngayon kesa dati..
hindi man ganun kakumpleto sa ngayon pero kuntento naman ako..


malapit na ang pasukan..and im looking forward sa mas maayos na takbo ng college life ko..
yung walang iniiwasan na mga tao..at walang pagdadalawang isip sa mga gagawin ko..
yung feeling na..kada may gagawin ka..may mga matang nakamasid sayo at mga bibig na walang ibang magandang masasabi..kaya nga naisip ko na lumipat ng school eh..sawang sawa na ako sagulo kaya umiiwas na lang ako..


i've learned to let go of few important things on my life..at hindi ko inakalang mas magaganda yung darating pa sakin..natutuwa ako sa mga kaganapan ngayon..feeling ko at peace ako..haha!


Happiness for me is contentment..


happiness for me is such that.. you don't need all the wealth in the world..yung kinakikitaan mo ng positibong lagay lahat ng bagay sa buhay mo..it's when you smile ng walang pag aalinlangan..your just being you..yung purong ikaw..na hindi na kailangan pa ng katiting na pagkukunwari at di mo na kelangang itago yung nararamdaman mo...You are free!


______________________________________________




kung literal na pagbabago lang din naman..
ayun..nagpagupit ako ng bob..gusto ko eh!..
kaya nga "changes" eh..gusto ko ng pagbabago..sawa na ako sa dating ako..


kung positibo na ako dati,mas positibo ako sa lahat ng aspeto sa buhay ko..


sana kung may nakakabasa man nito ngayon..salamat at binabasa mo 'tong blog ko..


at sana rin ma inspire ka sa mga pinagsusulat ko dito...sana may magbago rin sa buhay mo..


at kung magawa mo man!..Well done kapatid!..saludo ako sayo..


at sa mga nag aalinlangan diyan at mga nanghihinayang..ok lang yan!..may mawala man sayo..may mas magandang papalit naman..o baka malay mo..mas ikagaganda pa ng buhay mo yang pagbabagong gagawin mo..




hwag kang matakot na ipakita kung ano yung tunay na IKAW...kasi kahit anong gawin mo...patuloy at patuloy ka pa ring huhusgahan ng mga tao...


come on Dude!..let yourself get out of your box!..there's so many surprises waiting for you outside...^_^

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

I Am A Woman of Ambition





as of now hindi ko alam kung anung ikkwento ko rito..marami na nangyare...at baka hindi ko na rin siya maenumerate ng maayos..





a sad story,a happy one...hindi ko na alam.






kapag tumatanda ka talaga noh..nagiging mature ka na rin...lahat lahat sayo nagiging kumplikado..


you learn to sacrifice thing s na sobrang importante sa'yo...kahit masakit..gagwin mo pa rin..


sabihin na nating selfish ka..pero bata ka pa eh..kelangan mong tuparin yung mga pangarap mo...
Learn to yield for your dreams...kapag na accomplish mo naman yun ng nasa batang edad ka pa...mas ma-eenjoy mo ang buhay...at mas malaki ang advantages ng mga batang nakapaghanda para sa kinabukasan nila..
hindi ka dapat na nagmamdali...sabihin nating maikli lang ang buhay...


iniisip kasi nung iba...dahil daw sa ikli ng buhay...gagawin na nila ang lahat ng gusto nila.."live life to the fullest" daw eh..not knowing na..mas malaki yung damage na magagawa sa kanila nun pagdating ng araw..




eto..I've made a sacrifice na..kahit papanu nakapag ayos naman ng sitwasyon ko sa bahay....


hindi ko alam kung mapapatawad pa niya ako sa ginawa ko....at hindi na rin siguro ako mag aatempt na lapitan siya....tulong na rin siguro sa kanya para mas mabilis niya akong makalimutan...nagawa ko yun kasi..nahihirapan na rin ako...mixed emotions ako nung makaharap ko siya..ni hindi ko nga kayang tingnan siya sa mata eh..parang nadudurog ako kapag ginawa ko yun...




at sana hindi ko pagsisihan na binitiwan ko ang isang taong mahal na mahal ako more than anything on his life....God Bless na lang sa babaeng susunod niyang mamahalin..


______________________________________________________________________________



ilang weeks na rin ang nakakaraan nung makausap ko sila mama sa telepono..ahmm..sa cellphone pala..


oh, how i miss them so much...parang habang kausap ko nga sila nun..nag fflash back sakin lahat ng memories na kasama ko sila..kahit isang linggo lang na bakasyon sa probinsiya...ninanamnam ko na...walang isang segundo na tahimik sa kubo namin dun...puro halakhakan kasi eh..puro tawanan kami kapag umuuwi ako dun..kapag uuwi nga ako...para akong balikbayan na galing pa sa dulong lupalop ng mundo..pagbaba ko sa bus..nandun sila lahat sa harapan ng bahay namin...sinasalubong ako...kunukuyog nila ako sa yakap at halik..






pero minsan di ko rin maiwasang mapa buntong hininga sa mga pinag aasta ng mga kabataan ngayon..


kasama nila mga magulang nila..nahahawakan nila...nakakausap nila...nakakainggit.


hindi ko maiwasang mainggit and on the same time mainis sa kanila...kasi ginagawa nila yun sa mga magulang nila..


habang ako ilang taon ok ng inaasam na sana..makasama ko rin pamilya ko....kahit isang linggo lang..miss na miss ko na kasi silang lahat dun eh...








yung bunso ko ngang kapatid eh..nung last na umuwi ako....kilala lang niya ako sa picture...pina-frmae kasi ni mama yung picture ko nung elementary graduation ko....medyo naiyak ako...kasi ganito yun..






nakahiga ako sa may kama namin at katabi ko sila mama,yung kapatid kong babae,yung kapatid kong lalaki, at yung bunso kong kapatid..


sobrang ganda ng mga mata nung bata na yun...it shines with youthfulness and it's round..parang sa manika..dagdagan pa ng mahahabang pilik..sayang..hindi ko namana kay mama yun..sigh*






"baby,asan si ate?"tanong ni mama sa bunso namin.


sabay turo ni bunso dun sa picture frame ko na nakasabit sa cabinet namin...naluha ako kasi nasa harapan ko lang siya..mismong harap harapan ko nakita na hindi ako kilala ng kapatid ko sa personal..




at simula nun..pinangako ko sa sarili ko...na hindi na ulit mangyayari yun...na kapag nakatapos, nagktarabaho at naka ipon ako..


ilalayo ko sila sa mga kamag anak namin sa probinsiya..naawa na rin kasi ako kay mama kapag nagsusumbong yun sakin na parang bata...


sinasabi niya sakin lahat ng sama ng loob kapag nilalait sila ng mga kapatid niya dun..in short mga tiyahin ko ..na medyo nakakaanggat na sa buhay dahil sa mga asawa nila na may mga rank sa trabaho..


ang mga tao talaga..kapag nakahawak na ng pera..akala mo pag mamay-ari na ang buong mundo..na kaya nilang bayaran lahat ng sama ng loob na idudulot ng mga pinagsasabi nila...


nasasaktan din ako..kasi bilang panganay..nasa mga balikat ko yung pag ahon namin...it's a pressure..pero alam kong kakayanin ko naman!..




God Bless sa lahat ng makakabasa nito..


Dream High and Big mga Dudes!..








  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

The Summer Heat And US!

....




hay ang init na ng panahon dito sa atin ngayon..


ako hindi ko na nga kaya eh..


minsan nga halos mag black out na ako sa sobrang init eh..hindi na kaya ng isang paligo!.




sabagay minsan..RATHER..tayo naman kasi ang mag gawa kung bakit iba na ang klima ng mundo sa mga panahon ngayon..


sa basura, sa industry ngayon..


kung tutuusin..bakit nga ba tayo nakikipag sabayan sa mga mauunlad na bansa...eh kung tutuusin mas maunlad pa nga tayo...or mas uunlad pa tayo kung pagtutuunan natin ng pansin ang pagligtas sa ating kalikasan at gamitin ang mga resources na ito sa tamang paraan...


lagi kasi tayong nakikisabay sa indayog ng industrialismo sa Kanluraning bahagi ng mundo....(ang lalim nun ah!)..




Sa ngayon nanganganib ng mabutas ang "Ozone Layer" sa may bandang Antartica..at kapag nangyare yun..tuluyan na ring mangyayari ang ating kinatatakutan na pagtunaw ng yelo doon...


at paglubog ng ilang mga bahagi ng lupa dito sa ating bansa..hindi lang dito...kundi na rin sa iba pang bahagi ng mundo...hindi lang tayo ang apektado rito kundi lahat ng nabubuhay sa daigdig na ito..




Parami na ang mga lahing papaubos na kung pag-uusapan ang mga hayop na mga nangabubuhay sa lupa,dagat ,at hangin..




nakakapanghinayang man isipin pero tayo naman talaga ang dapat na sisihin kung bakit unti unti ng nasisira ang tirahan natin...Ang DAIGDIG!


Madalas na rin ang mga pagyanig sa lupa...ang mga tsunami...ang pagsabog ng mga bulkang ngayon lamang na naitala na naging aktibo sa pagbuga ng mga nakalalasong abo at hangin..
ang pagbiglang ulan at biglang pag init..




hindi na rin ako magtataka kung isang araw...wala na tayong mahuhugot sa kalikasan dahil sa sobrang pagabuso natin sa biyayang binibigay nito sa atin na minsan ay napupunta lamang sa wala o di kaya'y nagiging mitsa pa ng mas matinding pinsala sa biodiversity ng iba pang mga species ng mga halaman at kahayupan..




baka nga di magtagal tayong mga tao mismo ..wala na sa mundong ito...o kaya ay maabutan pa natin ang mismong pagguho at tuluyang pagkawasak nito..


May mga tao ng kumikilos para kahit papaano naman ay maibsan ang kalabisan ng mga taong sakim sa kayamanan at kapangyarihan na ang tanging alam lang minsan ay kumuha ng kanilang mga supply sa Kalikasan na walang pakialam sa walang habas na pagsira ng kagubatan o ng di kaya naman ay ng karagatan...


pero hindi sasapat ang pagkilos ng iilan...bakit hindi natin umpisahan mula sa ating mga mumunting paraan...malaki na rin naman ang magagawa kung pagsasamasamahin ang mga mumunting pagkilos natin...


ANG PAGKILOS NG LAHAT AY NAGSISIMULA SA IISA*




           nakakatawa man ito kung tutuusin..pero malay         
                      mo..mangyari din ng di inaasahan..











  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

Ang Kahalagahan ng Isang Tunay na Kaibigan





Hmm..matagal tagal din akong nawala noh..haha..


naging maganda,naging bangungot yung mga nangyare sakin nitong mga nakaraang araw..


pero pipilitin ko pa ring ikwento lahat...


umpisahan na natin..




Napasali ako sa Food carving competition na annually ginagawa sa school namin..
sayang di kami nanalo..pero maganda experience pa rin yun kasi ngayon alam na namin kung anong gagwin next time...


Nagkaroon na naman ng bagong salta sa bahay...isang makulet at matabang Chow Chow na binili ng tita ko sa halagang 900 pesos..(pinilit ko kasi!)..haha


at masayang masaya ako ngayon kasi yung lumipas kong kaibigan kinakausap na ako ulit..


medyo nalito at naguluhan  din ako dati sa ginawa niyang pag iwas sakin..ni wala nga akong ideya kung bakit bigla siyang nagbago ng ganun eh...


pinilit ko siyang lapitan at kausapin dati..hanggang sumuko na lang ako at umiyak...


pag naalala ko yun na rerealize kong may kapit na rin pala siya sa puso ko kahit papaano..


ang hirap nga talagang magpaalam sa taong kung hindi ka talaga handang magpaalam ng lubos..


simula ng maging ganun siya..natuto na rin akong umiwas...kahit na masakit..at paminsan minsan rin..naalala ko yung kwentuhan namin at masayang halakhakan habang break sa school...


medyo nagtagal tagal nakasanayan ko na na hindi siya kasama at nakakausap...tumamlay ang buhay ko bilang istudyante sa school..sila lang kasi ng bestfriend niya ang tinuturing kong totoong kaibigan dun eh...


madalas nila akong hingan ng pieces of advice....at tanungin ng mga out of this world..basta ang wiweirdo nila magsalita...


kada words ata na sabihin ko pinupuri na nila ako..di ko rin alam...


marami daw akong katangian na wala sa ibang babae na kakilala nila...ngumingiti na lang ako..


basta't ang alam ko..."ako 'to eh..wala namang kakaiba sa sinasabi at ginagawa ko ah!"..
pero di na ako tumututol..pananaw nila yun sakin eh...pero masaya na rin ako at nakilala ko sila sa pagpasok ko sa kolehiyo na yun..



pero isang araw nga bigla na lang naging ganun...biglaan ang pag iwas..biglaan din ang pagbabago..
maraming tanong ang gumulo sa isip ko nun...nung sabihin niyang "ang panget tingnan kasi eh.."..yun lang..wala na siyang ibang nasabi..at nung tinanong ko naman yung bestfriend niya.." masyado lang daw siyang umasa"..sabi niya...naiyak ako sa paghahanap ng maaring sagot sa mga katagang yun...


Nasanay na ako nun na hindi sila nakakausap..at nag iiwasan sa twing magkakasalubong...ang awkward nun para sakin..kasi kahit anung gawin namin..magkikita at magkikita pa rin kami sa liit ng campus sa School namin..


mga ilang araw ng ganun siya sa akin...nag cchat pa ako sa fb sa kanya saying.."halow po..^_^"..pero wala akong natatanggap na reply galing sa kanya..dissapointed ako oo..


Pero kahapon..nung makita ko siyang naka Online..Nag chat ako...at di ko na inaasahan na sasagutin niya ako...basta ang sa akin lang ma greet ko siya kahit di na niya ako pansinin..and to my surprise..nagreply nga sya at may smiley..sobrang saya ko nun..


Nag sorry siya sakin at nagpaliwanag dahil sa ginawa niya..naging mahina lang daw siya at kasalanan niya na nakinig siya sa sinasabi ng iba tungkol sa kung anong namamagitan sa aming dalawa....


maraming tao kasi ngayon..makikitid ang utak...di ko rin alam kung sa edad nila eh nag iisip pa ba sila...naiinis lang ako kasi..dahil sa sinasabi ng ibang tao kailangan naming magkaganoon...




masaya ako at nagbabalik na naman yung dati naming pagkakaibigan...nagsisimula ng panibago..at sana hindi na ulit maulit yung nagyare dati....


grabe~!..ilang buwan din na walang pansinan yun ah..walang kibuan at walang pakialamanan...


december nangyari yun..at ngayon lang kami ulit nagkausap..mahigit 3 months din..Pero thank God...bumabalik na kami sa dati..


Maraming bagay rin ang nagbukas sa pananaw ko
Masakit mawalan ng isang totoong kaibigan at mahirap kalimutan ang mga masasayang alaala na simpleng nabubuo sa simpleng kwentuhan niyo lang...




*Magpasalamat kayo sa mga kaibigan ninyo dahil binibigyan nila ng saysay ang buhay ninyo sito sa mundong ibabaw*

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

Usapang Badtrip



Alam mo yung pakiramdam na...yung kasalanan mo kahapon .. naalala pa nila..

sesermonan ka..kulang na nga lang madurog ka sa kinatatayuan mo eh..


yung maliit na kasalanan na yun..pinalalaki pa..at di lang 'yon..
nauungkat na rin pati yung mga maling bagay na nagawa mo dati..SAKLAP di ba?..


BADTRIP:


>eto yung gumising ka ng maaga at maiwanan ng mga kaklase mo sa NSTP Program ninyo...
maglakad sa highway ng hindi alam ang patutunguhan..at malamang ang layo ng lugar na nilakad mo..sa lugar na pinuntahan nila..kasabay pa nito yung mainit na panahon dala ng nalalapit na summer..BWISIT LANG DI BA?


>pag uwi mo sa bahay..binungangaan ka ng tita mo kasi may isang madaldal na bata na nagsabi nakita ka niyang OL sa FB..ang masaklap..pinagkalat pa niya..ANG SAYA DI BA?.




hayzz..buhay nga naman...gumulong at magulungan..


kahapon ang saya mo..bukas kaya ano na?.


life is full of unexpected scenes....tutut tutut tutut!




>isang linngo ka ng puyat at pagod tapos puro masasakit na salita pa maririnig mo sa dahilan ng sobrang pagod mo..



alam mo yung pakiramdam na uuwi ka sa bahay galing sa maghapong klase na minsan inaabot ng anim na oras isang subject lang..


yung tipong pagod na ang isip mo sa iskwela papagurin pa katawan mo sa kakagawa..at maririndi ka naman sa kakabunganga..


minsan nga napapabuntong hininga ka na lang kasi..


alam mo kung san pupunta ang usapan kapag may nasabi kang hindi maganda sa kanila at madudugtungan na naman ang mahabang diskusyon ninyong dalawa..


mas mabuti ng manahimik ka...kumbaga surviving techique mo na yun..survival of the fittest na kasi ngayon ang labanan...at kung kaya mo pang tumawa..gawin mo na habang kaya mo pa..(HAHAHAH)..




minsan kakaunti na lang sa mga tao ang nakaka appreciate ng pagitan ng segundo sa pagkatapos ng isang malalim na paghinga..




sobra na ako sa stress...dito na nga lang ako nakakapaglabas ng hinaing at daing eh..




minsan din kasi..kelangan mo rin magtago para sa sarili mo...


tama na yung manahimik ka para sa ikatatahimik ng mundo mo...


mas maganda na rin na manahimik ka kasi ...mas marami kang naiintindihang bagay sa simpleng pagmamatyag at simpleng pakikinig lang..




mas magandang manahimik ka at mag isip isip ...ng mga bagay na dating gumugulo sa isip mo ngayon ...
....mag isip ng stratehiya para sa ikaunlad ng buhay mo sa kinabukasan..


(medyo napapansin ko lang..masyado na pala akong napapalalim dito..-_-)..ang adik ko lang..pasensiya na...






sa ngayon tinatanggap ko na muna yung katwiran nila na..




"Ikaw rin naman makikinabang sa mga pagbubunganga ko sayo eh.."


"Pag tumanda ka at least maalala mong..ay tama pala si ganito ganyan!.."


"Ikaw rin naman mag aani nito pagtanda mo eh.."


"malaki ka na..alam mo na dapat kung anong dapat gawin eh..hindi yung kelangan mo pang pukpukin para kumilos ka."





at kung ano anung klaseng mura pa..-_-..kasama yan lahat!...mapa ibang lengwahe pa yan at mapa ingles!




*sigh*


minsan napapaisip na lang ako..sobrang laki na ba ng kasalanan ko..


di ba nila kayang intindihin na TAO AKO AT HINDI ROBOT!..


kaya ko na ang sarili ko...matanda na ako eh..


tao lang din ako..may katawang lupa at may karapatang magreklamo..


reklamo?!..ni hindi nga sila nakakarinig sakin nian eh..


ni hindi nga ako nagbubuhos ng sama ng loob sa kung kaninomang kasamahan ko sa bahay eh..


nanahimik ako..at magsusulat sa papel hanggang ang mga puting bahagi maging itim..




mayroon lang akong simpleng hiling..




SANA MAY KARAPATAN DIN AKO KATULAD NG MGA LAGALAG NA BATANG NAKIKITA KO..:(

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS