powered by: MEP d'thug artist
go to my homepage
CONTINUE
Photobucket Photobucket Photobucket Photobucket Photobucket Photobucket
The Casadiva Cassie. Powered by Blogger.
RSS

Ang Kahalagahan ng Isang Tunay na Kaibigan





Hmm..matagal tagal din akong nawala noh..haha..


naging maganda,naging bangungot yung mga nangyare sakin nitong mga nakaraang araw..


pero pipilitin ko pa ring ikwento lahat...


umpisahan na natin..




Napasali ako sa Food carving competition na annually ginagawa sa school namin..
sayang di kami nanalo..pero maganda experience pa rin yun kasi ngayon alam na namin kung anong gagwin next time...


Nagkaroon na naman ng bagong salta sa bahay...isang makulet at matabang Chow Chow na binili ng tita ko sa halagang 900 pesos..(pinilit ko kasi!)..haha


at masayang masaya ako ngayon kasi yung lumipas kong kaibigan kinakausap na ako ulit..


medyo nalito at naguluhan  din ako dati sa ginawa niyang pag iwas sakin..ni wala nga akong ideya kung bakit bigla siyang nagbago ng ganun eh...


pinilit ko siyang lapitan at kausapin dati..hanggang sumuko na lang ako at umiyak...


pag naalala ko yun na rerealize kong may kapit na rin pala siya sa puso ko kahit papaano..


ang hirap nga talagang magpaalam sa taong kung hindi ka talaga handang magpaalam ng lubos..


simula ng maging ganun siya..natuto na rin akong umiwas...kahit na masakit..at paminsan minsan rin..naalala ko yung kwentuhan namin at masayang halakhakan habang break sa school...


medyo nagtagal tagal nakasanayan ko na na hindi siya kasama at nakakausap...tumamlay ang buhay ko bilang istudyante sa school..sila lang kasi ng bestfriend niya ang tinuturing kong totoong kaibigan dun eh...


madalas nila akong hingan ng pieces of advice....at tanungin ng mga out of this world..basta ang wiweirdo nila magsalita...


kada words ata na sabihin ko pinupuri na nila ako..di ko rin alam...


marami daw akong katangian na wala sa ibang babae na kakilala nila...ngumingiti na lang ako..


basta't ang alam ko..."ako 'to eh..wala namang kakaiba sa sinasabi at ginagawa ko ah!"..
pero di na ako tumututol..pananaw nila yun sakin eh...pero masaya na rin ako at nakilala ko sila sa pagpasok ko sa kolehiyo na yun..



pero isang araw nga bigla na lang naging ganun...biglaan ang pag iwas..biglaan din ang pagbabago..
maraming tanong ang gumulo sa isip ko nun...nung sabihin niyang "ang panget tingnan kasi eh.."..yun lang..wala na siyang ibang nasabi..at nung tinanong ko naman yung bestfriend niya.." masyado lang daw siyang umasa"..sabi niya...naiyak ako sa paghahanap ng maaring sagot sa mga katagang yun...


Nasanay na ako nun na hindi sila nakakausap..at nag iiwasan sa twing magkakasalubong...ang awkward nun para sakin..kasi kahit anung gawin namin..magkikita at magkikita pa rin kami sa liit ng campus sa School namin..


mga ilang araw ng ganun siya sa akin...nag cchat pa ako sa fb sa kanya saying.."halow po..^_^"..pero wala akong natatanggap na reply galing sa kanya..dissapointed ako oo..


Pero kahapon..nung makita ko siyang naka Online..Nag chat ako...at di ko na inaasahan na sasagutin niya ako...basta ang sa akin lang ma greet ko siya kahit di na niya ako pansinin..and to my surprise..nagreply nga sya at may smiley..sobrang saya ko nun..


Nag sorry siya sakin at nagpaliwanag dahil sa ginawa niya..naging mahina lang daw siya at kasalanan niya na nakinig siya sa sinasabi ng iba tungkol sa kung anong namamagitan sa aming dalawa....


maraming tao kasi ngayon..makikitid ang utak...di ko rin alam kung sa edad nila eh nag iisip pa ba sila...naiinis lang ako kasi..dahil sa sinasabi ng ibang tao kailangan naming magkaganoon...




masaya ako at nagbabalik na naman yung dati naming pagkakaibigan...nagsisimula ng panibago..at sana hindi na ulit maulit yung nagyare dati....


grabe~!..ilang buwan din na walang pansinan yun ah..walang kibuan at walang pakialamanan...


december nangyari yun..at ngayon lang kami ulit nagkausap..mahigit 3 months din..Pero thank God...bumabalik na kami sa dati..


Maraming bagay rin ang nagbukas sa pananaw ko
Masakit mawalan ng isang totoong kaibigan at mahirap kalimutan ang mga masasayang alaala na simpleng nabubuo sa simpleng kwentuhan niyo lang...




*Magpasalamat kayo sa mga kaibigan ninyo dahil binibigyan nila ng saysay ang buhay ninyo sito sa mundong ibabaw*

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

Usapang Badtrip



Alam mo yung pakiramdam na...yung kasalanan mo kahapon .. naalala pa nila..

sesermonan ka..kulang na nga lang madurog ka sa kinatatayuan mo eh..


yung maliit na kasalanan na yun..pinalalaki pa..at di lang 'yon..
nauungkat na rin pati yung mga maling bagay na nagawa mo dati..SAKLAP di ba?..


BADTRIP:


>eto yung gumising ka ng maaga at maiwanan ng mga kaklase mo sa NSTP Program ninyo...
maglakad sa highway ng hindi alam ang patutunguhan..at malamang ang layo ng lugar na nilakad mo..sa lugar na pinuntahan nila..kasabay pa nito yung mainit na panahon dala ng nalalapit na summer..BWISIT LANG DI BA?


>pag uwi mo sa bahay..binungangaan ka ng tita mo kasi may isang madaldal na bata na nagsabi nakita ka niyang OL sa FB..ang masaklap..pinagkalat pa niya..ANG SAYA DI BA?.




hayzz..buhay nga naman...gumulong at magulungan..


kahapon ang saya mo..bukas kaya ano na?.


life is full of unexpected scenes....tutut tutut tutut!




>isang linngo ka ng puyat at pagod tapos puro masasakit na salita pa maririnig mo sa dahilan ng sobrang pagod mo..



alam mo yung pakiramdam na uuwi ka sa bahay galing sa maghapong klase na minsan inaabot ng anim na oras isang subject lang..


yung tipong pagod na ang isip mo sa iskwela papagurin pa katawan mo sa kakagawa..at maririndi ka naman sa kakabunganga..


minsan nga napapabuntong hininga ka na lang kasi..


alam mo kung san pupunta ang usapan kapag may nasabi kang hindi maganda sa kanila at madudugtungan na naman ang mahabang diskusyon ninyong dalawa..


mas mabuti ng manahimik ka...kumbaga surviving techique mo na yun..survival of the fittest na kasi ngayon ang labanan...at kung kaya mo pang tumawa..gawin mo na habang kaya mo pa..(HAHAHAH)..




minsan kakaunti na lang sa mga tao ang nakaka appreciate ng pagitan ng segundo sa pagkatapos ng isang malalim na paghinga..




sobra na ako sa stress...dito na nga lang ako nakakapaglabas ng hinaing at daing eh..




minsan din kasi..kelangan mo rin magtago para sa sarili mo...


tama na yung manahimik ka para sa ikatatahimik ng mundo mo...


mas maganda na rin na manahimik ka kasi ...mas marami kang naiintindihang bagay sa simpleng pagmamatyag at simpleng pakikinig lang..




mas magandang manahimik ka at mag isip isip ...ng mga bagay na dating gumugulo sa isip mo ngayon ...
....mag isip ng stratehiya para sa ikaunlad ng buhay mo sa kinabukasan..


(medyo napapansin ko lang..masyado na pala akong napapalalim dito..-_-)..ang adik ko lang..pasensiya na...






sa ngayon tinatanggap ko na muna yung katwiran nila na..




"Ikaw rin naman makikinabang sa mga pagbubunganga ko sayo eh.."


"Pag tumanda ka at least maalala mong..ay tama pala si ganito ganyan!.."


"Ikaw rin naman mag aani nito pagtanda mo eh.."


"malaki ka na..alam mo na dapat kung anong dapat gawin eh..hindi yung kelangan mo pang pukpukin para kumilos ka."





at kung ano anung klaseng mura pa..-_-..kasama yan lahat!...mapa ibang lengwahe pa yan at mapa ingles!




*sigh*


minsan napapaisip na lang ako..sobrang laki na ba ng kasalanan ko..


di ba nila kayang intindihin na TAO AKO AT HINDI ROBOT!..


kaya ko na ang sarili ko...matanda na ako eh..


tao lang din ako..may katawang lupa at may karapatang magreklamo..


reklamo?!..ni hindi nga sila nakakarinig sakin nian eh..


ni hindi nga ako nagbubuhos ng sama ng loob sa kung kaninomang kasamahan ko sa bahay eh..


nanahimik ako..at magsusulat sa papel hanggang ang mga puting bahagi maging itim..




mayroon lang akong simpleng hiling..




SANA MAY KARAPATAN DIN AKO KATULAD NG MGA LAGALAG NA BATANG NAKIKITA KO..:(

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

The KONY2012 Project





Joseph Kony..powerful but not famous..



powerful siya sa lagay na may isa siyang lupon ng mga sundalo..


that consists ng mga batang dinudukot niya sa magulang nito sa bansang Uganda..
ginagawang sundalo ang mga batang lalaki..at sex slaves naman ang mga batang babae..


mapalad tayo at wala tayo sa kalagayan nila..


sa ngayon ..hindi lang sa Uganda laganap ang karahasan niya..pati na rin sa mga kalapit nitong mga bansa..


unti unti ng lumalaki ang bilang ng mga sundalo niya..
at yung mga batang lalaki na yun ay pinupwersa na patayin ang mga magulang nila..


may mga minsan ng tumakas sa rebeldeng grupo na ito..pero karamihan pinapatay kapag  nahuli..


swerte na yung mga batang nakatakas...kinikwento nila yung mga karahasang ginagawa sa kanila..
ang masaklap lang ay kailangan pa nilang magbuwis ng buhay para sa kalayaan nila sa murang edad..


kanina ko lang nabasa ang blog tungkol dito ng mga ninjas sa MgaEpal.com
naiyak ako..worth it ang panonood ko sa half an hour na video..


yes..nagising ako sa balitang mahigit sa 20 years na niyang ginagawa yun..


ma iimagine mo siguro kung ilan na ang mga dinukot na bata at namatay at kung hindi man ay patuloy pa ring nakikipag laban para sa kanilang kalayaan sa kamay ni Joseph Kony..




hindi siya kilala ng 99% na tao sa mundo..kaya kelangan natin ikalat ang balitang ito...


Gawin nating sikat si Joseph Kony sa mundo..at isiwalat ang mga hindi makataong gawain niya...


tayo na sinasabing mga "FACEBOOK PEOPLE"..
Pilipinas rin daw ang tinaguriang "NETWORKING CAPITAL OF THE WORLD"..oh ha!.san ka pa..
it's more fun in the Philippines nga!...


baket nga ba hindi naten gamitin ang tagline para sa bansa naten..patunayan nating hindi lang tayo gumagamit ng internet para sa kung ano mang walang kabuluhang bagay...ipakita nating kahet sa mumunting bagay lang..may magagawa tayo para sa karamihan ng nangangailangan..




"LET'S DEMAND FOR JUSTICE"..

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

Ang Pag-ibig





hindi madali magmahal..napatunayan ko na yan..



nandiyan na yung magmuka kang tanga kahit alam mong wala na talagang pag-asa..
nandiyan na yung nasasaktan ka na nga..sige ka pa rin..mahal mo kasi..
nandiyan na yung maging manhid ka..dahil nga minsan...nasakatan ka na ng sobra
nandiyan na yung gumawa ka ng isang maling desisyon dahil sa mga kaganapan sa buahy na di mo maiiwasan..




di mo kayang pagsabayin lahat lahat sa buhay mo..


"it all takes time para sa lahat"....may tamang panahon para sa lahat..


may tamang panahon para sa pag ibig..para sa pagmamahal...


minsan nga ang pag ibig dumarating yan ng hindi mo inaasahan..
ang masaklap pa nito sa maling panahon pa siya napdpad sayo..


"LOVE WILL FIND IT'S WAY IF LOVERS ARE TRULY MEANT TO BE"


yung akin nadadaan daanan ko nga lang eh..pero masasabi kong NAKARESERVED ako para sa kanya..




mas mabuti ng magkakilala muna kayo ng mabuti..at hintayin ung tamang panahon na masasabi niyo ng..


"this is the right time for us!"...kesa naman magsakitan kayo sa huli dahil na-realize ninyong hindi pa kayo handa..at mapakanta na lang ng.."we had a right love at the wrong time".haha..


may pinaghuhugutan kasi ako...
minsan na akong nagmahal..
minsan ng nagtiwala...
at minsan na ring nasaktan..
tao lang din naman ako..at tanggap ko na may mga pagkukulang  ako..
HINDI AKO PERPEKTO..


at isa lang ang masasabi ko..
natuto na ako..




"AYOKONG MAKASAKIT AT AYAW KO RING MASAKTAN"


pero eto na naman ako...sabi ko nga di ako perpekto..




nagkamali na naman ako sa desisyong ginawa ko..


sa ngayon amy nagmamahal sa akin at may mahal naman akong iba..


"love triangle" kumbaga.....it's hard..


pag naiisip ko ung taong mahal ko..in an instant bigla bigla ring pumapasok ung isa na yon na nagmamahal sakin..


nalilito ako..ay mali..basta..naguguluhan ako sa kung anong mangyayari pag sinunod ko ang puso ko..




at heto ako..coming up with a solution na hindi ko sigurado kung maganda ang resulta..




basta magmamahal na lang ako na inuuna ang utak kesa puso..


yun na lang..as i have said..ayoko nga makasakit..


marami ng gumugulo sa utak ko ngayon ..at gusto kong isa-isahin ko na muna silang lahat...


pag naiisip ko silang dalawa...naiisip ko.."eto na ba ako ngayon..yung mga ayw ko dati..nagagawa ko na ngayon..".


ako na pala mismo ang sumisira sa mga pangako ko sa sarili ko..


KUNG PWEDE NGA LANG WAG NA MAGMAHAL EH...


marami na akong ginawa dati...para makaiwas lang dito..pero ANONG MAGAGAWA KO!


TAO LANG AKO...marunong magmahal at masaktan..
napag aaralan lahat ng bagay...sabi nila..


Sabi ng nakararami..matalino akong babae...pero baket ang pag aralang wag na muna magmahal...napaka hirap para sakin.


.
wala na akong magagawa..
sabi nga sa isang quotation..


"IN LIFE, SUBSTITUTE THE EXPECTATION TO ACCEPTION"







  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

Ang Pagiging "PAG-ASA" ng Bayan



INTRODUCING Jomar Tacoyo…(Penguin,alien,palakang berde ang dugo!)..haha..eto na yung ipinangako niyang contribution sa blog ko..pero mukang matatawag na natin itong blog niya mismo..hahaha
BTW..hmmm..mukang may pinaghuhugutan ata tong Penguin na toh..pero sana po kung mabasa niyo man at magustuhan comment na lang kayo..hehe





Kagabi hindi na aako nakapag blog dahil nakatulog ako ng maaga..
Kapagod pala kaharutan ang isang 3 months old na bata…haha..
Nakatulog ako habang nakahiga siya sa dibdib ko..hahaha..



________________________________________________________________________________

Pag-asa
                “Ang kabataan ay  Pag-asa ng bayan” ang kasabihan na mabenta sa mga librong pang High school, sa mga placard tuwing may rally na may kinalaman sa karapatang pang Kabataan, at sa mga poster ng mga tumatakbo bilang SK chairman, na may mga picture na aakalain mong tatakbo sa isang beauty pageant…
                Ang kabataan nga ang pag-asa ng bayan, dahil sila ang papalit o susunod na lider na mag papatakbo sa ating bansa, mga susunod na guro, pulis, doktor, abogado, negosyante, Chismoso’t chismosang nakasuot pormal na binabayaran ng taong bayan para mag bangayan sa loob ng isang malamig at komportableng kwarto, o ang susunod na Presidente  na magkakaroon ng karapatan para makapaglaro ng Playstation sa loob ng Malacañang. Dahil sa susunod na mga taon sila naman ang aalalay sa mga henerasyon na nauna sa kanya na wala ng kakayanan para mag patuloy pa, at mga henerasyon na paparating palang para palitan sila.
                Atin namang suriin ang ating mga “Pag-asa”, may napanuod ako sa TV(of course isa syang news show) tungkol sa mga  batang hamog, na nangtrip sa isang Bus. Ayon sa reporter, Sumakay ang isang grupo ng mga kabataan sa isang bus, nung pinipilit na sila ng konduktor na mag bayad, ayaw nila mag bayad, nung pinababa na sila, binato nila yung Harapan ng Bus, nakatakas ang ilan, may dalawang nahuli, gigil na gigil ang drayber pati na rin ang konduktor sa binatang nahuli nila, gustong bugbugin at hambalusin ng tubo, Sino ba di manggigigil, dahil ang salamin na binasag ng mga binatang yun, sa bulsa mismo ng koduktor at drayber kukuhain.. pero sa kalaunan..nakatakas din  ang  binatang nahuli nila, kaya umalis na lang ang drayber at ang konduktor na may galit sa mukha. Kaya mas pinagigti ng mga MMDA ang paghuhuli sa  mga batang hamog.
                Batang hamog ay ang tawag sa mga  kabataang pakalat kalat sa kalye, lalo na sa dis oras ng gabi, sila yung mga grupo ng mga kabataang nagiging perwesyo sa lansangan, mga tinatawag na “peste”  ng mga motorista, mga napariwara, masasabi kong kinulang sa gabay , o pwede ring mali ang pagkakagabay. SIla ang mga kadalasang ginagawang “Instrumento” ng mga sindikato, may mga batang pusher, hitman, carnapper, kidnapper, o kung ano ano pang klase ng krimen nagagawa nila. Dahil di sila sakop ng batas, di sila tinuturing na kriminal, kundi mga biktima, biktima ng marahas na lipunan, biktima ng magulong sistema. Kung ganito nga ang ating mga “Pag-asa” baka ibang lider ang makahantungan nila, magiging lider ng mga carnapping sindicate, gang, Druglords  o mga lider ng iba’t ibang illegal na trabaho. “Children have never been good in listening to their elders, but they have never failed to imitate them”, kung ano  nakikita ng  mga bata ay yun ang nagagaya nila. Marami ng mga bagay ang nakaka impluwensya sa mga kabataan ngayon, tulad ng telebisyon, mga online games, ang internet at mga tao sa kapaligiran nya. Pero di naman sila ma iimpluwensyahan kung may mag gagabay sa kanila, kung may mga tamang modelo silang pinag-gagayahan. Nasa mga nakakatanda na rin  yan, malaki talaga ang kinalaman ng kapaligiran sa pag huhubog sa ating “Pag-asa”. Isang kapaligiran na walang kahirapan, kaguluhan, o karahasan.
                Isa rin ako sa tinatawag na “Pag-asa”, siguro naging maswerte ako dahil na ilagay ako sa isang kapaligiran na di naman gaano magulo, nagabayan ng tama, kaya narito. Sa pagiging “Pag-asa”  ng ating bansa, nalalaman ko na may kailangan din akong gawin, kung gusto ko ng pagbabago sa dadating na henerasyon, henerasyon na ako na rin ang mag tatawag sa mga nakakabata sakin na aking “Pag-asa”. Kung nasa bulok na sistema na rin ang ganitong bagay, Mahihirapan ako, “If you can beat the system, be in the system” yan ang  linya ng mga tumatakbong pulitiko  na gusto rin ng pagbabago. Pero may risk din ang ganito, dahil para kang isang kamatis na nilagay sa isang tumpok ng mga bulok na kamatis, mahahawa ka, mabubulok ka  rin, kung kulang ka sa paninindigan, mahahawaan ka sa kabulukan. Isa ako sa “Pag-asa”, kaya kailangan ko ring kumilos, kailangan kong maging isang mabuting ehemplo sa nakakabata sakin, na tatawagin ding “Pag-asa” sa mga dadarating na panahon, kailangan ko ring gumawa ng mga bagay na alam kong makakabuti sa aking bayan.
                Naway tayong mga “Pag-asa” ang talagang Pag-asa ng bayan sa darating na panahon, at hinde isa nanamang taga asa na magkakaroon ng pagbabago.
                Sana nagustuhan nyo.. hehe.. masyado atang napahaba.. ayan na Panda may nagawa na ako..  mukhang di pang blog to.. Article na to sa isang School Paper haha ^_^




_____________________________________________________________________________________




Ayan..natapos na siya..pwede na kayo huminga..sabagay may punto nga rin naman siya…kailangan na rin naman siguro tayong kumilos….kadalasan kasi ngayon puro reklamo lang ang kaya ng mga tao..ni hindi nga sila kumikilos para sa pagbabago..sabi nga nila..”ang pagbabago nagsisimula mismo SAYO…”






                    "batang hamog"

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

Ang Karapatan VS. Kapangyarihan





Hay naku..hindi ko tuloy maumpisahan tong blog ko..

dami nagyare eh..saka dami rin gustong isulat hehe..

by the way!..heto na nga eh..uumpisahan ko na..^_^





from Mr.Talavera;

binigyan ng Diyos ang tao ng POWER TO CHOOSE... pero bakit hindi ibinigay satin ang karapatan na mamili ng magulang....? mamili ng kapatid? mamili ng anak.... ?



ang masasagot ko lang po jan sir ay...

hmmm..siguro un po ay tinatawag naten na FATE(yan na lang ang gamitin nating term..kahet ndi ako naniniwala sa tadhana..maybe a part of it..hehe)



sa inyo na rin po nanggaling...we have power to choose..pero wala tayong karapatan mamili..as we said..."karapatan"..





we dont have all the rights para makapamili ng mga magulang,kapatid.at anak...hmm..isipin na lang natin ...KUNG SI GOD KAYA TANUNGIN NATIN NG GANYAN NA NASA KATAWANG MORTAL DIN SIYA..baka magulat tayo sa sagot niya NA .."kung papipiliin ako ng mga magiging anak..sa tingin niyo pipiliin ko kayo?"..



ang sakit di ba?..siguro kung naging panaginip ko yan..maiiyak ako..pramis!



muli..salamat sir nel sa topic na ibinigay nio..^_^...





..............................._______________________________................



                                  maiba tayo..



ayun!..pinilit kong mairaos tong blog ko ngayon ..kahet na badtrip na badtrip ako..





simula sa mga kasama ko sa bahay...sa mga kagrupo ko sa MgaEpal.com at sa isang bastos na chatter na naligaw sa c2c chatbox namin sa fb...



btw..hanggang diyan na lang muna siya sa ngaun..hehe..mahirap na..basta nag masasabi ko.."May God Bless All The MANYAKS In The World!"..un lang..hehe





at credits na rin pala kay Kuya Meps...na nag ayos at nagpaganda sa page ng blog ko..BILIB AKO SAYO KUYA MEPS!..artist ka nga..hehe..



kay penguin na sinabing bukas ay may ipapasa siyang munting contribution para sa aking blog dito..hehe..salamat sayo..



kay pusa..na walang sawang nagpapangawit ng panga ko kakatawa at pagbibigay ng walang hanggang kasakitan ng tiyan kakatawa..BILIB AKO SA WHISKERS MO...MALA IMPUY!..hahhaha..salamat kuya Lloyd.^_^...pampa good vibes ka ng araw..hehe..





sila lang naman ang mga nakikita kong highlight sa MgaEpal.com na naging mga kakulitan ko rin sa halos mag iisang taon ko na dun.^_^.(wala pa pala.hahaha!)..





at yung the rest..salamat sa inyo at nakadaupang chat ko kayo!...hahaha..^_^...APIR!

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

YAPAK

they say "GANITO GAWIN MO!"


I'll just say.."ok po.."...with a straight face...

lam nio guys..ang hirap kapag hindi ka pa nakatayo sa sarili mong mga paa...ako i admit gusto ko ng maging independent..pero alam ko di ko pa kaya yun..ni wala pa nga akong sariling trabaho eh..im not earning my own money...ndi pa ako tapos sa pag aaral ko..nakadepende pa ako sa mga taong nakatatanda sakin...*sigh*



sabi nila masarap daw maging bata..

eh baket ako ..parang di ko ramdam un..hahaha...ewan ko ba..:(

narinig ko lang ito once na nanonood ako ng tv..it says..


"ang matanda kapag sinabing bata pa siya it means na he's mature enough..at ang bata sinabing matanda na xia...bata pa talaga xia.."...

nung una di ko toh ma gets...but when time goes by..ayun..realization hits me..

i dont know..ang dami na namang pumapasok sa isip ko na ndi ko mahanap ung rason kung baket...


basta nagsusulat ako ng blog ko..kahit baguhan pa lang ako dito..natutuwa naman ako sa mga nagiging resulta nito sakin..


sabi nga nila...matututo kang magsulat kung marunong kang magbasa..

ang i guess..isa ako sa mga patunay sa mga katagang yan...I'M A BOOKWORM!.(yeah!)...haha

pasensiya na kung sino mang nakakabasa nitong mga pinag ttype ko...wala ..IM JUST BORED..and it kills me..siguro sa mga susunod kong blog..mas may kabuluhan na ung mga laman nun..hehe..


epekto ata ito ng almusalan ko ngaun ah..(kebab and coffee)..medyo spicy...wuzhu!

....................______________________________________________................................
                            maiba tayo..

kagabi habang nagpapahinga ako..at nanonood ng tv... documentaries yun eh..

about sa mga batang nakayapak..

noong una medyo natatawa pa ako sa mga nakikita ko...but then nung napag isip isipan ko...

what if im on their shoes...what if im barefooted too..

(palagi ko rin namang ginagawa toh sa bahay eh..nakakatamad kaya mag suot ng tsinelas !)..

it caught all of my attention na panoorin un..kasi na iimagine ko sa mga batang nakikita ko ung mga kapatid ko na nasa probinsya..nakayapak rin kaya sila?..:(..(sana hindi)..

yung mga batang sinusubaybayan ko...willing na willing silang mag aral kahit alam nilang wala silang mababaon pagdating sa eskwela..at nakikipagtalo pa talaga sila sa mga magulang nila para makapag enroll lang sa nalalapit na pasukan..

napaisip ako..malayo na nga ba talaga ang narating ng tao...

baket marami pa ring ndi nakakaramdam ng sibilisasyon ng nakaka angat na mga bayan...

sa mga batang napanood ko..pinaalala nila sakin kung gaano kahalaga ang edukasyon...mapamahirap ka man o anumang uri ng kaantasan sa buhay...MAHALAGA ANG PAG AARAL..


Nang dahil sa tsinelas...mas lalo ko tuloy natanto kung nasan na nga ba ang katayuan ng TAO..






  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS