Hmm..matagal tagal din akong nawala noh..haha..
naging maganda,naging bangungot yung mga nangyare sakin nitong mga nakaraang araw..
pero pipilitin ko pa ring ikwento lahat...
umpisahan na natin..
Napasali ako sa Food carving competition na annually ginagawa sa school namin..
sayang di kami nanalo..pero maganda experience pa rin yun kasi ngayon alam na namin kung anong gagwin next time...
Nagkaroon na naman ng bagong salta sa bahay...isang makulet at matabang Chow Chow na binili ng tita ko sa halagang 900 pesos..(pinilit ko kasi!)..haha
at masayang masaya ako ngayon kasi yung lumipas kong kaibigan kinakausap na ako ulit..
medyo nalito at naguluhan din ako dati sa ginawa niyang pag iwas sakin..ni wala nga akong ideya kung bakit bigla siyang nagbago ng ganun eh...
pinilit ko siyang lapitan at kausapin dati..hanggang sumuko na lang ako at umiyak...
pag naalala ko yun na rerealize kong may kapit na rin pala siya sa puso ko kahit papaano..
ang hirap nga talagang magpaalam sa taong kung hindi ka talaga handang magpaalam ng lubos..
simula ng maging ganun siya..natuto na rin akong umiwas...kahit na masakit..at paminsan minsan rin..naalala ko yung kwentuhan namin at masayang halakhakan habang break sa school...
medyo nagtagal tagal nakasanayan ko na na hindi siya kasama at nakakausap...tumamlay ang buhay ko bilang istudyante sa school..sila lang kasi ng bestfriend niya ang tinuturing kong totoong kaibigan dun eh...
madalas nila akong hingan ng pieces of advice....at tanungin ng mga out of this world..basta ang wiweirdo nila magsalita...
kada words ata na sabihin ko pinupuri na nila ako..di ko rin alam...
marami daw akong katangian na wala sa ibang babae na kakilala nila...ngumingiti na lang ako..
basta't ang alam ko..."ako 'to eh..wala namang kakaiba sa sinasabi at ginagawa ko ah!"..
pero di na ako tumututol..pananaw nila yun sakin eh...pero masaya na rin ako at nakilala ko sila sa pagpasok ko sa kolehiyo na yun..
pero isang araw nga bigla na lang naging ganun...biglaan ang pag iwas..biglaan din ang pagbabago..
maraming tanong ang gumulo sa isip ko nun...nung sabihin niyang "ang panget tingnan kasi eh.."..yun lang..wala na siyang ibang nasabi..at nung tinanong ko naman yung bestfriend niya.." masyado lang daw siyang umasa"..sabi niya...naiyak ako sa paghahanap ng maaring sagot sa mga katagang yun...
Nasanay na ako nun na hindi sila nakakausap..at nag iiwasan sa twing magkakasalubong...ang awkward nun para sakin..kasi kahit anung gawin namin..magkikita at magkikita pa rin kami sa liit ng campus sa School namin..
mga ilang araw ng ganun siya sa akin...nag cchat pa ako sa fb sa kanya saying.."halow po..^_^"..pero wala akong natatanggap na reply galing sa kanya..dissapointed ako oo..
Pero kahapon..nung makita ko siyang naka Online..Nag chat ako...at di ko na inaasahan na sasagutin niya ako...basta ang sa akin lang ma greet ko siya kahit di na niya ako pansinin..and to my surprise..nagreply nga sya at may smiley..sobrang saya ko nun..
Nag sorry siya sakin at nagpaliwanag dahil sa ginawa niya..naging mahina lang daw siya at kasalanan niya na nakinig siya sa sinasabi ng iba tungkol sa kung anong namamagitan sa aming dalawa....
maraming tao kasi ngayon..makikitid ang utak...di ko rin alam kung sa edad nila eh nag iisip pa ba sila...naiinis lang ako kasi..dahil sa sinasabi ng ibang tao kailangan naming magkaganoon...
masaya ako at nagbabalik na naman yung dati naming pagkakaibigan...nagsisimula ng panibago..at sana hindi na ulit maulit yung nagyare dati....
grabe~!..ilang buwan din na walang pansinan yun ah..walang kibuan at walang pakialamanan...
december nangyari yun..at ngayon lang kami ulit nagkausap..mahigit 3 months din..Pero thank God...bumabalik na kami sa dati..
Maraming bagay rin ang nagbukas sa pananaw ko
Masakit mawalan ng isang totoong kaibigan at mahirap kalimutan ang mga masasayang alaala na simpleng nabubuo sa simpleng kwentuhan niyo lang...
*Magpasalamat kayo sa mga kaibigan ninyo dahil binibigyan nila ng saysay ang buhay ninyo sito sa mundong ibabaw*
Ang Kahalagahan ng Isang Tunay na Kaibigan
03:59 |
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
4 comments:
apir sa'yo panda :D
-Pusa
ahahaha..ang adik mo pusa!
kung maka adik to sobrang wagas... :D
-Pusa
ahahaha..:P
Post a Comment